Mga Halik

Ilang beses na ba kitang napapaginipan
Ilang beses ka nang dumadaan sa isipan
Parang baliw sa tuwing nagkakatinginan
Mga labi mo ang aking inaasam

Sa'n ba patungo pwede ko bang malaman
Kahit saan basta 'wag masasaktan
Tulala pa rin sa labi mo't kagandahan
Pag-ibig mo aking inaasam

Hindi mapakali hindi makatulog
Ang puso ko ay hanap-hanap

Ang iyong mga halik sa'kin sana'y 'di mapagkait
Akin na lang sana ang puso mo sa habang buhay
Ang 'yong mga halik nilalaro aking isip
Sa'yo na lang ang puso ko sa habang buhay
Handang maghintay

Wooh
Wooh

Ilang beses na rin tayong nagkakabanggaan
Sana nama'y pangalan ko'y 'yong malaman
Bumibilis ang tibok ng puso ko
Nang ako'y iyong titigan

Hindi mapakali hindi makatulog
Ang puso ko ay hanap-hanap

Ang iyong mga halik sa'kin sana'y 'di mapagkait
Akin na lang sana ang puso mo sa habang buhay
Ang 'yong mga halik nilalaro aking isip
Sa'yo na lang ang puso ko sa habang buhay
Handang maghintay

'Di mapigilan ('di ko mapigilan)
'Di ko na ata kaya ('di ko na ata kaya)
Makita ka makasama ka
Tayo lang dalawa

Ang iyong mga halik sa'kin sana'y 'di mapagkait
Akin na lang sana ang puso mo sa habang buhay
Ang 'yong mga halik nilalaro aking isip
Sa'yo na lang ang puso ko sa habang buhay

Ang iyong mga halik sa'kin sana'y 'di mapagkait
Akin na lang sana ang puso mo sa habang buhay
Ang 'yong mga halik nilalaro aking isip
Sa'yo na lang ang puso ko sa habang buhay
Handang maghintay

Músicas mais populares de CK

Outros artistas de K-hip hop