Pambihirang Harana

Cesca

Kunwari ay 'di ko alam ang iyong nararamdaman
Sabihin na lang 'di ko narinig ang mga usap-usapan
Magbibingi-bingihan muna ako

Dahil mahirap ang umasa sa hindi sigurado
'Wag mag-alala 'di ko sasabihin
Naiintindihan ko kung hindi mo maamin
Iwanan lang natin sa tadhana ang ating kapalaran

Oh 'di naiinip
Kaya paumanhin
Kunwari ay 'di napansin (napansin)
Ang iyong (ang iyong)
Bagong pagtingin (pagtingin)
'Di magpapahalata (woh)
Okay lang 'yung tulad mo (woh)

Wala pang nangyari ako'y napaisip ng kung anu-ano
Talagang kailangan bang magkahiyaan
'Di na lang sumubok
'Wag kang magulat sa 'king sasabihin (sasabihin ko na lang)

Nais kong ipaalam na ito'y pang sa atin lamang
Alam kong babae ay 'di dapat umaamin nang ganito (woh)
Bakit gano'n mali bang sabihin ako'y may gusto sa 'yo

Aking aaminin ito'y nakakatakot pag-isipan mo muna
Aantayin ko ang iyong sagot

Músicas mais populares de Cesca

Outros artistas de Middle of the Road (MOR)