Pssst!

Bullet Dumas

Psst
Tsong de kalibre ang nabubuong
Pangungusap sa tuwing nababanggit
Ang palamuti mong pangalan

Triyatatatatan talatang ito'y
Parang binubuo ng malilikot na salitang nagbibiruang magkaibigan
Nagpipikunan nagkukulitang igan

Ika nga 'lika na dito sa'king tabi
Tulad na tulad palagi't palagi
Ale matinding ale

Nakikiusap nabubulol nais maipamahagi
'Lika na dine wag nang tumanggi
Utak bumbilya'y ubos na't pundi

Ale matinding ale
Dito at dito mananatili

Psst
Tsong de kalidad ang tindig ng
Bawat pantig na maliligalig at
Umiibig umaaligid matinik
Halina't makinig sa sulating sa tingin ko ay sigurado nga
At t'yak na t'yak na 'yong mahihiligan hmm

Halika nga dine 'wag nang mag-atubili
Damdamin at isipan na'y nayuyupi
Ale matinding ale
Pag-asa ko'y hinati't hinating kalahati
'Lika na dine 'wag nang tumanggi
Utak bumbilya'y ubos na't pundi
Ale lagot ka ale
Ikaw ikaw ang tanging napili

Músicas mais populares de Bullet Dumas

Outros artistas de Asian pop