Pakikinabang [From "Behold the Risen Lord"]
Tinapay na binasbasan
Binunga ng lupa't ulan
Hinati at inialay
Handog namin sa 'yong hapag
Lahat ng gutom paramin
O Diyos naming mahabagin
Sa katawang tatanggapin
Pagsasaluhan sa piging
Ang alak na inumin (ang alak na inumin)
Dugong aming tatanggapin (dugong aming tatanggapin)
Ang uhaw ay papawiin (ang uhaw ay papawiin)
Lumbay nami'y tatanggalin (lumbay nami'y tatanggalin)
Sa kalis ng bagong tipang (sa kalis ng bagong tipang)
Amin ngayong iinuman (amin ngayong iinuman)
Ganap na kapatawaran (ganap na kapatawaran)
Sa aming kasalanan
Hesus naming minamahal
Buhay at naritong ganap
Sa katawan at dugo mo na amin nang tinatanggap
Sa bawat na paggunita
Sa krus mo't pagkabuhay
Aming laging nadarama
Pag-ibig mong sadyang tunay