Pag-Alabin Aming Puso (1995)

Manuel V Francisco SJ

Panginoon 'yong pag-alabin aming puso
Pagkat dahop sa pag-ibig kaming palalo
Kami'y turuan magmahal nang wagas
Nang puso nami'y tulad ng sa iyo'y magningas

Pawiin mo ang aming hinanakit
Nang aming malimot sakit at pait
Turuang patawarin ng may kaganaang-loob
Ang kapwa naming sa ami'y bumigo

Panginoon 'yong pag-alabin aming puso
Pagkat dahop sa pag-ibig kaming palalo
Kami'y turuan magmahal nang wagas
Nang puso nami'y tulad ng sa iyo'y magningas

Ibangon aming pusong nakalugmok
Nalulunod sa sariling lungkot at dagok
Himuking dumamay sa pasakit ng iba
Paglingkuran aming bayang dalita

Panginoon 'yong pag-alabin aming puso
Pagkat dahop sa pag-ibig kaming palalo
Kami'y turuan magmahal nang wagas
Nang puso nami'y tulad ng sa iyo'y magningas

Curiosidades sobre a música Pag-Alabin Aming Puso (1995) de Bukas Palad Music Ministry

De quem é a composição da música “Pag-Alabin Aming Puso (1995)” de Bukas Palad Music Ministry?
A música “Pag-Alabin Aming Puso (1995)” de Bukas Palad Music Ministry foi composta por Manuel V Francisco SJ.

Músicas mais populares de Bukas Palad Music Ministry

Outros artistas de Worship