Kapayapaan
Ipinagkaloob ng Diyos sa atin
Marilaga't masaganang bayan
May halik ng amihan may haplos ng habagat
May dalang alay ang lupa't dagat
At mapaglaro ang araw at ulap
Ipinagkaloob ng Diyos sa atin
Ang magiliw niyang pag-ibig at habag
Nilikha ang magulang kababaya't kaibigan
Bukod tangi ang abang kapatiran
Sa lahat ng sandali may karamay
Kapayapaan ating dasal para sa bayan nating mahal
Yaman din lamang at minarapat niyang gawin
Isang tahanan ang puso at bayan natin
Maging daluyan nawa tayong lahat ng
Kapayapaan at liwanag ng abang sambayanan
At sa kailalim-laliman ng ating puso
Ay tibay sa harap ng pagsubok
Wakasan ang alitan wakasan ang digmaan
Simulang lunasan ang karalitaan
Simulang tup'din ating sinumpaan
Kapayapaan ating dasal para sa bayan nating mahal
Yaman din lamang at minarapat niyang
Gawin isang tahanan ang puso at bayan natin
Maging daluyan nawa tayong lahat
Ng kapayapaan at liwanag ng abang sambayanan

Ng kapayapaan kapayapaan (kapayapaan kapayapaan)
Kapayapaan at liwanag ng abang sambayanan