Humayo't Iyahag - Choral Version
Humayo't ihayag purihin siya
At ating ibunyag awitan siya
Pagliligtas ng Diyos na sa krus ni Hesus
Ang siyang sa mundo'y tumubos
Langit at lupa siya'y papurihan
Araw at tala siya'y parangalan
Ating pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan aleluya
At isigaw sa lahat
Kalinga niya'y wagas
Kayong dukha't salat
Pag-ibig niya sa inyo ay tapat
Halina't sumayaw buong bayan
Lukso sabay sigaw sanlibutan
Ang ngalan niyang angkin sing-ningning ng bituin
Liwanag ng Diyos sumaatin
Langit at lupa siya'y papurihan
Araw at tala siya'y parangalan
Ating pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan sa tanan
Ating pagdiwang pag-ibig ng Dios sa tanan aleluya