Dadalhin

Anssi Nordberg, Janne Heikkonen, Ville Malja

Ang pangarap ko'y
Nagmula sa'yo
Sa'yong ganda ang puso'y di makalimot
Tuwing kapiling ka
Tanging nadarama
Ang pagsilip ng bituin sa 'yong mga mata
Ang saya nitong pag-ibig
Sana ay 'di na mag-iiba
Ang pangarap ko ay iyong binubuhay
Ngayong nagmamahal ka sa akin ng tunay
At ang tinig mo'y
Parang musika
Nagpapaligaya sa munting nagwawala

Ang sarap nitong pag-ibig
Lalo na noong sinabi mo

Dadalhin kita sa 'king palasyo
Dadalhin hanggang langit ay manibago
Ang lahat ng ito'y pinangako mo
Dadalhin lang pala ng hangin ang pangarap ko

Nang mawalay ka
Sa aking pagsinta
Bawat saglit gabing malamig ang himig ko
Hanap ang yakap mo
Haplos ng iyong puso
Parang walang ligtas kung di ang lumuha
Ang hapdi din nitong pag-ibig
Umasa pa sa sinabi mong

Dadalhin kita sa 'king palasyo (sa 'king palasyo)
Dadalhin hanggang langit ay manibago
Ang lahat ng ito'y pinangako mo
Dadalhin lang pala ng hangin ang pangarap ko

Umiiyak umiiyak ang puso ko
Alaala pa ang sinabi mo
Noong nadarama pa ang pag-ibig mo

Dadalhin kita sa 'king palasyo
Dadalhin hanggang langit ay manibago
Ang lahat ng ito'y pinangako mo
Dadalhin lang pala ng hangin ang pangarap ko

Dadalhin kita sa 'king palasyo
Dadalhin hanggang langit ay manibago
Ang lahat ng ito'y pinangako ko
Dadalhin lang pala ng hangin ang pangarap ko

Músicas mais populares de Bryan Termulo

Outros artistas de Television series