Tabing Ilog [(Tower Sessions Live)]

Sa ilog ang mundo'y tahimik
Ako'y nakikinig sa awit ng hangin
Habang kayo'y hinihintay
Na sana'y dumating bago magdilim

Sa t'wina'y kandungan niyo ang duyan
Panaginip na walang katapusan
Ang ilog hantungan niya'y pangako
Ng inyong pagbabalik

Ngiting kasama ng hangin
Luhang daloy ng tubig
Sa ilog na 'di naglilihim

Sa ilog ang mundo'y may himig
'Di sana magpalit ang awit ng hangin
Habang kayo'y hinihintay
Mata'y nya'y may ngiti puso'y nananabik

Sa t'wina'y kandungan niyo ang duyan
Panaginip na walang katapusan
Ang ilog hantungan niya'y pangako
Ng inyong pagbabalik

Ngiting kasama ng hangin
Luhang daloy ng tubig
Sa ilog na 'di naglilihim

Músicas mais populares de Barbie Almalbis

Outros artistas de Pop rock