Intro
Abel Muriel
Ayaw na naming maniwalang may bukas pang darating
Mga pangakong ilang ulit nang narinig pero ganun pa rin
Sino bang maiiwang kawawa di naman na kayo mga bata
Binenta niyo na aming kaluluwa
Mga punong pinutol kahit di kailangan
Mga bundok na kinalbo dahil kaya niyo lang
Ang lupang inangkin di na mapaplitan
Dahil ba malapit niyo nang iwan mundo
Dahil ba kahit papaano ligtas mga anak niyo
Hayaang magdusa anak ng iba
Sino bang maiiwang kawawa
Silang di naman nagkasala
Iniasa na lang sa BAHALA NA