Sinungaling
Nakakapaso kay pait ng buhay ko
Hindi 'to sadya bang ganito
Lungkot na dulot ng tusong pangako
Purgatoryo huling pagbabago
Mga lokong tinapakan ng maligno
Mga dugong naghihingalo
Itim na usok na galing sa abo
Tulad ng buhay ko ngayo'y nasa dulo
Kinalimutan nang iwan
Baon sa nakaraan di maintindihan
Sabog ang nawawalang katauhan
Sinungaling mga salitang
Sinlamig ng bato
Tayo ba'y naglolokohan
Mga salitang basa ng dugo
Basag na puso'y ituloy ang luha ko
Ito ba'y impyerno sadya bang ganito
Wala ng tunay kapag ang bata namatay
Laman ng hukay tiwala'y nawalay
Nanginginig pinagpapawisang malamig
Ni waglit ay wala ng himig
Munting awit ay wala ng saysay
Anak na di mapigil magsigaw
Na ika'y isang taksil isang taksil
Kinalimutan ng iwan
Baon sa nakaraan di maintindihan
Sabog ang nawawalang katauhan
Sinungaling mga salitang
Sinlamig ng bato
Tayo ba'y naglolokohan
Mga salitang basa ng dugo
Nakakapaso aking huling yugto
Nakakasuya walang silbing pagsuyo
Sa aking pagpanaw aking huling hiling
Itim na rosas ang ialay sa aking
Malungkot na libing
Malungkot na libing
Kinalimutan ng iwan
Baon sa nakaraan di maintindihan
Sabog ang nawawalang katauhan
Sinungaling mga salitang
Sinlamig ng bato
Tayo ba'y naglolokohan
Mga salitang basa ng dugo
Sinungaling
Sinungaling
Sinungaling