Kwentuhan

Kaibigan
Baka pwede ka munang makakwentuhan
Nakikiramay
Ang paborito mong serbesas
At nangangalawang kong gitara

Ano'ng balita
Mukhang may 'di nakatulog kagabi
Mga mensaheng nais mong iparating
Inipon sa bote
Mga dasal saklolo't paumanhin

Kwentuhan muna tayo
Kwentuhan muna

Sa iyong pag alis
Isalarawan ang iyong mundo
Anong natatanaw
Mga tumatakbo sa isip mo

Kwentuhan muna tayo
Kwentuhan muna tayo

Paulit ulit
Sa mga payong ayaw mo nang madinig
Pasensiya na't lagi kitang kinukulit
At sa aking pagmumukha na sawang sawa ka nang makita

'Wag kang magalit ('wag ka sanang magalit)
Hindi naman kita pipigilan (hindi kita pipigilan)
Gawin mo ang lahat ng gusto mong gawin
Kwentuhan tayo hanggang sa muli

Sa iyong pag-alis
Isalarawan ang iyong mundo
Anong natatanaw
Mga tumatakbo sa isip mo

Kwentuhan muna tayo
Kwentuhan muna tayo

Ba't hindi ko nakita sa mga mata
Ayaw pahiwatig na nasasaktan ka na pala
Hindi naman nagkukulang suyuin ka
Sabi mo pa ayos lang ako wala namang problema
Paulit ulit kinukulit
Ayaw sagutin ang tawag
Magkwentuhan nang saglit
Marami namang ibang paraan
Pero pinili mamaalam nang ganyan

Sa iyong pag alis
Isalarawan ang iyong mundo
Anong natatanaw
Mga tumatakbo sa isip mo
Sa iyong pag alis
Isalarawan ang iyong mundo
Anong natatanaw
Mga tumatakbo sa isip mo

Curiosidades sobre a música Kwentuhan de Autotelic

Quando a música “Kwentuhan” foi lançada por Autotelic?
A música Kwentuhan foi lançada em 2021, no álbum “Kwentuhan”.

Músicas mais populares de Autotelic

Outros artistas de Pop rock