Sorrento [Acoustic]
Yamang ayaw mong lingapin
Ang dalisay kong pag-giliw
Kita'y aking lilisanin
May sugat ang damdamin
Bakit ba o aking giliw
Ni ayaw mo pang dinggin
Natiis mong lumuluha
Sa taglay kong dalita
Irog ko'y iyong asahan
Magpahanggang sa libingan
Ikaw ang mahal kong tunay
At tanging ikaw lamang
Paalam na giliw
Ako sayo'y paalam
Yamang di pinapansin
Ang pagmamahal