Para Kay Agnes
Dalawang buwan na ang dumaan
Ako ay talagang nahihirapan
Sa mga pangyayaring di maintindihan
At pag iisip na walang hanggan
Oh kay tagal na ng pangarap
Ang magiging buhay sa hinaharap
Sa dalawang buwan na lumipas
Ay sumama ang isip pati ang bukas
Alalahanin mo lang kaibigan
Ang mga bagay na pinagsamahan
Sa dalawang buwan na dumaan
Ay parang dalawang siglo sa isipan
Itanim lagi sa iyong isipan
Na ako'y katulad din ng halaman
Nalalanta ito kung hindi madiligan
At sa pag asa din ako'y nawawalan