Iiyak Ka Rin

Akala ko'y tumigil na ang ikot ng mundo
Bakit natapos ang lahat sa isang iglap lang
Wala ng paglagyan ang luha ko sa mata
Huminto na rin yata ang tibok ng puso ko
Di ko mabasa ang pangitain sa iyong mukha
Saan nga ba dapat natatapos ang lahat sinta

Oh iiyak ka rin ipinapangako ko
Lahat ng sakit na aking nadama ay babalik sayo
Oh iiyak ka rin pakatandaan mo ito
Lahat ng pait na idinulot mo'y magbabalik sayo

Alam na alam mo na ako'y alipin mo
At tinutuhod akong umiibig sayo
Pero di to sapat na batayan para sayo
Oh bat binigay mo pa rin sa iba ang puso mo

Oh iiyak ka rin ipinapangako ko
Lahat ng sakit na 'king nadama ay babalik sayo
Oh iiyak ka rin pakatandaan mo ito
Lahat ng pait na idinulot mo'y magbabalik sayo

Nasan nang mga pangako mo
Di ba't ikaw ang may sabing wala sa'tin magbabago
Saan ba natatapos ang lahat sinta
Oh bat binigay mo pa rin sa iba ang puso mo

Oh iiyak ka rin pakatandaan mo ito
Lahat ng pait na idinulot mo'y magbabalik sayo
Oh iiyak ka rin ipinapangako ko
Lahat ng sakit na 'king nadama ay magbabalik sayo

Oh iiyak ka rin pakatandaan mo ito
Lahat ng pait na idinulot mo'y magbabalik sayo

Músicas mais populares de Arnel Pineda

Outros artistas de Pop rock