Kaya lang

Kay tagal kong hinintay
Ang pagkakataong ito na masabi ko sa'yo
Ang tunay na nararamdaman
Ang buhay nga nama'y mapagbiro
Ngayong ako ay naglakas-loob
Sinabi mo

Kaya lang
May mahal ka nang iba
Pilitin ko pa mang ika'y malimot na

Kaya lang
Di na magbabago
Ang isip ng puso
Sadyang nagmamahal pa rin
Sa'yo

O kay bilis ng mga araw
Akala ko di mo alam
Hindi ko natanaw
Ang mga luha ng 'yong mga mata
Damdamin din nama'y mapaglaro
Inamin mong mahal mo rin ako
Mula noon

Kaya lang
May mahal ka nang iba
Pilitin ko pa mang ika'y malimot na

Kaya lang
Di na magbabago ang isip ng puso
Sadyang nagmamahal pa rin sa'yo

Kaya lang
May mahal ka nang iba
Pilitin ko pa mang ika'y malimot na

Kaya lang
Di na magbabago ang isip ng puso
Sadyang nagmamahal pa rin sa iyo (sa'yo)
Sadyang nagmamahal pa rin

Kaya lang

Músicas mais populares de Ariel Rivera

Outros artistas de Pinoy pop