Sorry
Swabeng-swabe ang ganda ng dating ng 'yong mata
Ang mga mata mo puno ng sigla ng buhay
Ngunit 'di mo matago ang lungkot ng 'yong puso
Nahalata ko nahalata ko
Magmula't tayo nagtagpo halos mabingi ako
Sa lakas ng iyak ng nagdurugo mong puso
'Di mo maawat ang luha ng pagnais
Nahalata ko nadarama ko
'Pag hanap-hanap mo'y lambing
Pampaagap sa halinghing
Ngunit ang payo ko'y
Lumayo ka sana sa akin
Sorry 'di na pu-pwede
'Wag ka sanang mabitin
Sorry 'di na pu-pwede
May nagmamahal na sa 'kin
Kung ako'y binata lang
'Di palilipasin ang pagkakataon ikaw ay makapiling
Mahirap aminin ako'y nagsisisi
Sa aking kalagayan woah
Ang hanap-hanap mo'y kasama
Palipas ng gabi't umaga
Ngunit ang payo ko
Humanap ka na lang ng iba
Sorry 'di na pu-pwede
'Wag ka sanang mabitin
Sorry 'di na pu-pwede
May nagmamahal na sa 'kin
Kung maari lang ibalik ang araw nung ako'y malaya pa
Ngunit 'di maaring bulabugin buhay kong tahimik na
May minamahal na 'kong iba
Sorry
Sorry 'di na pu-pwede
May nagmamahal na sa 'kin
Sorry 'di na pu-pwede
'Wag ka sanang mabitin
Sorry 'di na pwe-pwede
May nagmamahal na sa 'kin
Sorry
Sorry 'di na pu-pwede
May nagmamahal na sa 'kin