Pag-Ibig Mong Kay Ganda (Sana Ito’y ’Di Mawala)

Jim Paredes

[Verse 1]
Marami na akong nakilala sa aking pag-awit
Mga tagahanga na sa 'ki'y kinikilig
Ang pag-ibig nga ba'y singtagal ng aking awit
'Pag natapos ay wala na rin?

[Verse 2]
Minsan, sa gitna ng awit natanaw kita
At biglang pumanaw ang sigawan ng madla
Do'n at do'n nalaman ko na nasa akin na
Ang pag-ibig na naiiba ah

[Chorus]
Pag-ibig mong kay ganda
Sana ito'y 'di mawala
Pag-ibig mong kay tunay
Sa 'kin mo sana ibigay

[Post-Chorus]
At pagkatapos ng aking awitin sana'y manatili pa
Ang awit ng pag-ibig mo na aking nadama
'Pagkat kung 'di mananatili 'to
Ayoko nang tapusin ang kanta

[Verse 3]
Ang dulot lang ba ng pag-ibig ay kalungkutan?
Darating at aalis, bigla lang iiwan
Ganyan ba'ng pag-ibig, singtagal ng palabas
Pagdilim ng ilaw, may wakas

[Chorus]
Pag-ibig mong kay ganda
Sana ito'y 'di mawala (Ahh)
Pag-ibig mong kay tunay
Sa 'kin mo sana ibigay (Ooh, ooh)

[Post-Chorus]
At pagkatapos ng aking awitin sana'y manatili pa
Ang awit ng pag-ibig mo na aking nadama
'Pagkat kung 'di mananatili 'to
Ayoko nang tapusin ang kanta

[Chorus]
Pag-ibig mong kay ganda
Sana ito'y 'di mawala (He-he-hey)
Pag-ibig mong kay tunay
Sa 'kin mo sana ibigay (Ibigay, ibigay, ibigay)

[Chorus]
Pag-ibig mong kay ganda (Ahh)
Sana ito'y 'di mawala
Pag-ibig mong kay tunay
Sa 'kin mo sana ibigay

Curiosidades sobre a música Pag-Ibig Mong Kay Ganda (Sana Ito’y ’Di Mawala) de APO Hiking Society

Quando a música “Pag-Ibig Mong Kay Ganda (Sana Ito’y ’Di Mawala)” foi lançada por APO Hiking Society?
A música Pag-Ibig Mong Kay Ganda (Sana Ito’y ’Di Mawala) foi lançada em 1978, no álbum “Pagkatapos ng Palabas”.
De quem é a composição da música “Pag-Ibig Mong Kay Ganda (Sana Ito’y ’Di Mawala)” de APO Hiking Society?
A música “Pag-Ibig Mong Kay Ganda (Sana Ito’y ’Di Mawala)” de APO Hiking Society foi composta por Jim Paredes.

Músicas mais populares de APO Hiking Society

Outros artistas de Asian pop