Haring Araw

Apekz, Klumcee

[Chorus]
Basta kasama ka kumpleto na ang aking araw
Tara sabay nating tingnan ang paglubog nang haring araw
Hawak ang kamay nakadantay pa walang makakaagaw
(Walang iba, walang iba, ikaw lang kaya)
Tara sabay nating tingnan ang paglubog nang haring araw

[Verse 1]
Habang ikaw ay kasa-kasama
Pagala-gala hindi nakakasawa
Bahala na tadhana, sagot na ni Bathala
Lakas ng tama kawawa ang baga sa kakatawa (Hahahaha)
Do'n tayo sa paborito mong kainan
At kung hindi mo maibigan sa chubibo maglambingan
Biruin mo si Kupido napagbalingan ako ng pana
Maniwala ka sana 'di ako manlalamig parang naka-pajama
Asawa ang turing ako ay 'di na antukin
Daig pa natin ang pamilya ni Lumeng
Mahirap habulin 'pag tayo magkasama
Ang daan akala mo sagala, sakop ang kalsada
Gusto mo sa tabing dagat, tamang inom sa may pampang
Kung nakaupo lang tambay inuman habang bilog ang buwan
At para bukas, sa uulitin tayo ay magsama
Balewalain ang dapat 'yung gusto mo, 'yun ang tama di ba?

[Chorus]
Basta kasama ka kumpleto na ang aking araw
Tara sabay nating tingnan ang paglubog nang haring araw
Hawak ang kamay nakadantay pa walang makakaagaw
(Walang iba, walang iba, ikaw lang kaya)
Tara sabay nating tingnan ang paglubog nang haring araw

[Verse 2]
Habang ikaw ay kasa-kasama
Pagala-gala kahit san mapunta sige lang bara-bara
Sa atin ang mundo, sagot ko na ang pamasahe
Tamang trip sago't gulaman, tuhog fishball do'n sa kalye, ah
Dapat ganito palagi, ang nangyayari
Sulitin ang araw pati gabi nang makarami
Kala ko nagtuturo ka, hahalik lang pala sa labi
Sa kasamaang palad hindi pwe-pwedeng walang bawi
Nasa likod mo ko parati, na parang etiketa
Kung pagod ka na, angkas muna sa bisikleta
Humawak ka sa bewang, baka malaglag, tawanan sa daanan
Sabay sa aking kada padyak, kulitan magdamagan
Kahit nasaan pa man parang mga pirata kung makipagsapalaran
At kung sakaling pagtulungan man ng agos at ng alon
Tatawanan lang nating hanggang matapos ang maghapon
Kaya, kaya..

[Chorus]
Basta kasama ka kumpleto na ang aking araw
Tara sabay nating tingnan ang paglubog nang haring araw
Hawak ang kamay nakadantay pa walang makakaagaw
(Walang iba, walang iba, ikaw lang kaya)
Tara sabay nating tingnan ang paglubog nang haring araw

[Bridge]
Ang sarap, sarap, sarap mong kasama
Sarap, sarap mo naman na kasama
Ang sarap, sarap, sarap mong kasama
Sarap, sarap mo naman na kasama
Nandito lamang ako
Ikaw ba ay nangangamba ako'ng bahala sa'yo
Nandito lamang ako
Ikaw ba ay nangangamba ako'ng bahala sa'yo
Nandito lamang ako
Ikaw ba ay nangangamba ako'ng bahala sa'yo

[Verse 3]
Diretso lang ang tingin 'wag ka nang lumingon
Isipin mo na lang ito ang daan papunta sa ating prusisyon
Pagmamahal na walang kundisyon
Maglalakbay at sasabay kahit na nakaposisyon
Mga harang na 'di maisantabi, sa isang tabi
Kabilang parte naman nito malabo na mapaghiwalay nila
Kami wala silang paki

[Chorus]
Basta kasama ka kumpleto na ang aking araw
Tara sabay nating tingnan ang paglubog nang haring araw
Hawak ang kamay nakadantay pa walang makakaagaw
(Walang iba, walang iba, ikaw lang kaya)
Tara sabay nating tingnan ang paglubog nang haring araw

[Outro]
(Teka, anong oras na?)
Hindi ko na namalayan na inabot na pala ng madaling araw
(Teka manggugulat na 'yung mga manok)
Parang kanina lang ay nagba-bye paalis ang haring araw
(Ang bilis lang)
Hanggang bukang liwayway kumaway kahit ang tulog ay mababaw
Ulo mo sa'king balikat inabutan ng pagsikat ng haring araw (Kasama ka)
'Lika nga dito ang cute-cute mo eh 'no
'Lika nga dito (Kasama ka)
Ah alam ko na luto tayo noodles o kaya timpla mo 'ko kape (Kasama ka)
Tinatawag na tayo ng amo oh, gusutin na natin 'yung mga kumot, tara (Kasama ka)
Tara tulog na tayo, tapos mamaya na ulit, okay? (Kasama ka)

Músicas mais populares de Apekz

Outros artistas de Asian hip hop