Hiling

Natasha L. Correos, Rocky S. Gacho

Malalim na naman ang gabi
Nanlalamig, naghahanap ng makakatabi
Nasaan ka na kaya
Nandito ako naghihintay sayo
Sa yakap mo nananabik

Sa pag-ibig mo’y nangungulila
Init ng ‘yong pagsinta’
Di na madama
Sayo ba ay balewala na
Itong nararamdaman

Hiling ko’y iyong muling makita
Paano tayo noon, nung simula
Kinang sa iyong mga mata
Aking linaw sa tuwing nagdududa
Higpit ng yakap mo ‘pag nangangamba

Nandito ako naghihintay sayo
Sa mga yakap mo nananabik

Músicas mais populares de Anthony Rosaldo

Outros artistas de Asiatic music