Kontrol
Nakakita ka na ba
Ng mga pekeng pagkataong umaaligid sa'yo
Nakasagap ka na ba
Ng mga balitang 'yun pala'y 'di naman totoo
Pindot doon pindot dito
Komento agad 'di naman alam buong kuwento mo
Ganito na ba ang sistema
Kaibigan pa ba ang mundong tinatamasa
Dapat ang henerasyon natin nakatuon sa realidad pa din
'Di nakadepende sa basta sabi sabi ng iba
Lahat ng bagay ay gamitin sa buti
Pero huwag masyadong mawili
Halaga ng buhay wag balewalain
Para ang mundong ito'y 'di ka kokontrolin
Kokontrolin
'Wag mong hayaan kang kontrolin
'Wag mong hayaan (kokontrolin)
'Wag mong hayaan
Nakakabahala man ang paligid na ginagalawan
'Di dapat dumepende sa mga materyal na bagay lang
Isip muna bago magdesisyon para tama ang solusyon
Nang hindi magsisi at umiyak sa bandang huli
Kasi pindot doon pindot dito
Komento agad 'di naman alam buong kuwento mo
Ganito na ba ang sistema (ganito na ba ang sistema)
Kaibigan pa ba ang mundong tinatamasa
Dapat ang henerasyon natin nakatuon sa realidad pa din
'Di nakadepende sa basta sabi sabi ng iba
Lahat ng bagay ay gamitin sa buti
Pero huwag masyadong mawili
Halaga ng buhay wag balewalain (wag balewalain)
Para ang mundong ito'y 'di ka kokontrolin
Na sa dulo 'di mo na kayang bitawan
Kasi nasanay ka na (wag kang masanay wag kang masanay)
Wag sanang dumating sa puntong 'di mo na kilala maski sarili mo
Kasi nawala ka na (nawala ka na)
Wag naman sana
Dapat ang henerasyon natin nakatuon sa realidad pa din
'Di nakadepende sa basta sabi sabi ng iba
Lahat ng bagay ay gamitin sa buti
Pero huwag masyadong mawili
Halaga ng buhay wag balewalain
Para ang mundong ito'y 'di ka
Dapat ang henerasyon natin nakatuon sa realidad pa din
'Di nakadepende sa basta sabi sabi ng iba
Lahat ng bagay ay gamitin sa buti
Pero huwag masyadong mawili
Halaga ng buhay wag balewalain
Para ang mundong ito'y 'di ka kokontrolin hmmm lalala dada
Kaya mag ingat ka sa mga pekeng pagkataong umaaligid sa'yo