Distansya

Ang Bandang Shirley

[Verse 1]
Ako'y mistulang bulaklak
Na 'di namumukadkad
Dahil sa tagtuyot
Uhaw ang talulot
Maari bang makahinging gamot?
O aking sinisinta
Halik mo'y medisina
Ngunit pa'no dadampi
Ang labi sa labi
Kung may namamagitan sa atin
Na distansya?

[Verse 2]
Bakas sa 'yong mukha
Na may bagyong nagbabanta
Ngunit pa'no tatawid
Ang pag-ibig na hatid
Kung ika'y wala sa 'king piling?
Pamasahe ay handa
Bagahe ay dala
Ngunit ano pa ba'ng
Aking magagawa?
Sa'yong tabi damang-damang-dama
Ang distansya

[Instrumental]

Músicas mais populares de Ang Bandang Shirley

Outros artistas de