Iiyak Nalang
Oohh…
‘Di na gano’n ‘pag nakikita kita
Takot na lang tangi kong nadarama
Ngayon sabihin mo nang masaya ka
Sanayin ako na nag-iisa
Gusto ko mang bumalik sa ‘yo
Humalik kahit na saglit lang
Kaso natatakot na ako
Na baka balang araw ako ay iwanan mo lang
‘Lang magbabago
Palagi kang magtatago
Ako pa rin ‘yung talo
Kahit saan mo tingnan
Pero ‘di ako galit kahit na
Madalas mo man na gawing tanga
At halata sa ‘yong mga matang kapag kasama mo ’ko
‘Di ka na masaya
Walang naghihintay
Tapos na tayo bye bye
‘Di na rin ako mangungulit
Kung ‘di mo na ‘ko kailangan
Pa’no ko pa pipilitin
Kung ‘yan ang gusto mo
Hindi na kita sisisihin
Iiyak na lang dahil walang magawa
At sana ‘di mo maramdaman
Na ‘di paglaban masira't lumuha
Palayain ka't ‘di na muling makuha
Ngayon ay wala nang saysay, ooh
Kung wala na sa ‘kin ang 'yong kamay
Ngayon tayo ay narito
'Di pa rin makapaniwala sa sinabi mo
Balewalain mo na lang at pagtulakan mo
Ano bang pagkukulang ko
Para magawa mo lang na mawalan kaagad ng lambing
Para mahalin mo ‘ko
Ako lang pala ‘yung may alam na meron kang pagmamahal
Pa’no ba kakayanin ‘to sanayin ko ma'y ‘di natututo
Ikaw ang gusto kaso lang ang daya naman na nitong mundo
Kung ‘di mo na ‘ko kailangan
Pa’no ko pa pipilitin
Kung ‘yan ang gusto mo
Hindi na kita sisisihin
Iiyak na lang dahil walang magawa
At sana ‘di mo maramdaman
Na ‘di paglaban masira't lumuha
Palayain ka't ‘di na muling makuha
Ngayon ay wala nang saysay, ooh
Kung wala na sa ‘kin ang 'yong kamay
Ang dating pagtingin sa’n na ba napunta
Hirap lang din tanggapin balewalain na tayo'y tapos na
Pero ako ba ay minahal mo
'Di ganto ang inasam ko
Sana nga'y tinapat mo na lang para ‘di na ganto
Akala ko tayong dalawa tinakda
Sa panibago na hamon lang pala ako inihanda
Kung alam ko lang pinigilan kita bago nawala ang halaga
Kaso nga pinakita mo na ako lang pala mag-isa ang merong napadama
Kung ‘di mo na ‘ko kailangan
Pa’no ko pa pipilitin
Kung ‘yan ang gusto mo
Hindi na kita sisisihin
Iiyak na lang dahil walang magawa
At sana ‘di mo maramdaman
Na ‘di paglaban masira't lumuha
Palayain ka't ‘di na muling makuha
Ngayon ay wala nang saysay, ooh
Kung wala na sa ‘kin ang 'yong kamay
Ano ba ang totoo mong rason
Bakit mo ’ko iniwan sayang nga ‘yung relasyon
Hanggang ngayon nagtatanong
Ang sarili ko kung ba’t gano’n
Ako ay nakatulala, kinapos ang hininga
Laging umiiyak, 'di na makasalita
Nasanay lang kasi ikaw ang tanging medisina
Ngayon wala ka na pakiramdam ko ay nanghihina
Kung ‘di mo na ‘ko kailangan
Pa’no ko pa pipilitin
Kung ‘yan ang gusto mo
Hindi na kita sisisihin
Iiyak na lang dahil walang magawa
At sana ‘di mo maramdaman
Na ‘di paglaban masira't lumuha
Palayain ka't ‘di na muling makuha
Ngayon ay wala nang saysay, ooh
Kung wala na sa ‘kin ang 'yong kamay
Kung ‘di mo na ‘ko kailangan
Pa’no ko pa pipilitin
Kung ‘yan ang gusto mo
Hindi na kita sisisihin
Iiyak na lang dahil walang magawa
At sana ‘di mo maramdaman
Na ‘di paglaban masira't lumuha
Palayain ka't ‘di na muling makuha
Ngayon ay wala nang saysay, ooh
Kung wala na sa ‘kin ang 'yong kamay
Ooh hoo…
Sana’y ‘di mo maramdaman