Kung Bakit Ngayon
Oh
Sabi mo ako'y di na kailangan
At tuluyan na ako'y iiwan
Dahil pag-ibig natin ay walang hahantungan
Kahit kay sakit sa kalooban
Pilit ko itong tinatakasan
Pagkat minsan ay nasabi na ako'y di mo na mahal
Kung bakit ngayon
Ngayon wala ka na'y nagtatanong ang puso ko
Bakit nagkagayon
Hindi ba't noon pag-ibig ang sa puso ay tugon
Paano muling magbabalik oh sa atin ang kahapon
Di sinasadyang tayo'y nagkita
Ako't ikaw ay may ibang kasama
Kulay ng iyong mukha at kilos mo ay nag-iba
At hindi ko maipaliwanag
Kung ito'y isang maling pangarap
Nadaramang ikaw pa rin sa akin ang lahat
Oh kung bakit ngayon
Ngayon wala ka na'y nagtatanong ang puso ko
Bakit nagkagayon
Hindi ba't noon pag-ibig ang puso ay tugon
Paano muling magbabalik oh
Sa atin ang kahapon
Ang ating kahapon
Oh
Kung bakit ngayon
Ngayon wala ka na'y nagtatanong ang puso ko
Bakit nagkagayon
Hindi ba't noon pag-ibig ang sa puso ay tugon
Paano muling magbabalik
Magbabalik
Paano muling magbabalik
Sa atin ang kahapon oh