‘Di Ba Halata

Jireh Singson

Isang ngiti mo pa lang
Ako'y para bang nahihibang
Sa mga yakap mong walang kasing tamis
Hinding-hindi 'pagpapalit

Napa-ibig mo akong napakabilis
Kahit kailanman naman 'di kita matitiis
Unang kita ko pa lang sa 'yo
Nabihag mo agad itong puso ko

Sa 'yong mga halik sa 'yong mga pisngi
Dumadampi ang labi na walang kasing tamis
Sa init ng yakap mo natutunaw ang puso ko
'Di ba halata na ako'y adik na sa 'yo oh

Daig mo pa ang buwan sa pag-ilaw sa gabi
Daig mo pa si Darna sa lakas ng iyong dating
Daig mo pa ang hanging dulot ng bagyo
At ang pana ni Kupido sa sobrang lakas ng tama ko sa 'yo

Sa 'yong mga halik sa 'yong mga pisngi
Dumadampi ang labi na walang kasing tamis
Sa init ng yakap mo natutunaw ang puso ko
'Di ba halata na ako'y adik na sa 'yo adik na sa 'yo

Sa 'yong mga halik sa 'yong mga pisngi
Dumadampi ang labi na walang kasing tamis
Sa init ng yakap mo natutunaw ang puso ko
'Di ba halata na ako'y adik na sa 'yo oh

Músicas mais populares de Agsunta

Outros artistas de Pop rock