Hiling
Kay layo mo sa 'kin tila isang bituin
Kay layo mo sa 'kin kay hirap mong ibigin
Lagi na lang ako nangangarap ng gising
Nakatulala't malayo ang tingin kinakausap ang mga bituin
Aking hiling sa mga bituin sana ika'y makapiling
Sa paghimbing at sa paggising sana ako'y mahal na rin (sa paghimbing sa paggising)
Ang aking hiling sa mga bituin pakiusap ko ay dinggin
Sana'y haplusin at tanggapin ng puso mong kay hirap abutin (at tanggapin)
Hindi man ako ang laman ng pangarap mo
Imposibleng ibigin mo 'pagkat 'di ako ang gusto
Sadyang napakasakit malaman ang totoo
Ibubulong ko na lang sa hangin ang laman ng aking puso
Aking hiling sa mga bituin sana ika'y makapiling
Sa paghimbing at sa paggising sana ako'y mahal na rin (sa paghimbing sa paggising)
Ang aking hiling sa mga bituin pakiusap ko ay dinggin
Sana'y haplusin at tanggapin ng puso mong kay hirap abutin (at tanggapin)
Lagi na lang ako nangangarap ng gising
Nakatulala't malayo ang tingin kinakausap ang mga bituin
Aking hiling sa mga bituin sana ika'y makapiling
Sa paghimbing at sa paggising sana ako'y mahal na rin (sa paghimbing sa paggising)
Aking hiling sa mga bituin pakiusap ko ay dinggin