Adios

Amor Jude Thadeus Soriano

Bawat paglisan katumbas nito'y bagong pag-asa
Kaya't naging manhid na sa mga sugat na natamasa
Ito'y ligid sa masang mistulang walang panlasa
Ayaw tikman ang mga bagong tinagay ko sa tasa

Kaya't masisisi mo ba na ang ilan ay lumisan?
Dahil kahit anong galing at pyesang makatuwiran
Walang makita na liwanag na malalagusan
At hindi na mapapawi ang uhaw nang lalamunan

Tanging sandigan ang ilang ulong naniniwala
Pero batid ang paghatak ng mga namiminsala
Kaya't ang pundasyon ay nagkaroon nang pagrupok
Napanghinaan na nang loob di pa man nakaabot nang tuktok

Kaya't masisisi mo ba na ang ilan ay lumisan?
Dahil kahit anong galing at pyesang makatuwiran
Walang makita na bituwin na sa kanya'y kikinang
Kaya't napilitan na humimod nang magkasilbi lang

Ganyan kahirap kung iyo lamang na susumahin
Bawat galaw mo at ambag kanilang susukatin
Dito ibabase ang respetong iyong kukuhanin
At kapag nakitaan ng gilas ikaw ay tutulakin

Kaya't masisisi mo ba na ang ilan ay lumisan?
Dahil kahit anong galing at pyesang makatuwiran
Walang makita na rason para manatili
Dumami lamang ang tanong sa kaniyang sarili

Kaya't masisisi mo ba na ang ilan ay lumisan?
Dahil kahit anong galing at pyesang makatuwiran
Walang makita na liwanag na malalagusan
At hindi na mapapawi ang uhaw nang lalamunan

Kaya't masisisi mo ba na ang ilan ay lumisan?
Dahil kahit anong galing at pyesang makatuwiran
Walang makita na bituwin na sa kanya'y kikinang
Kaya't napilitan na humimod magkasilbi lang

Curiosidades sobre a música Adios de Jude the Zaint

Quando a música “Adios” foi lançada por Jude the Zaint?
A música Adios foi lançada em 2021, no álbum “Free”.
De quem é a composição da música “Adios” de Jude the Zaint?
A música “Adios” de Jude the Zaint foi composta por Amor Jude Thadeus Soriano.

Músicas mais populares de Jude the Zaint

Outros artistas de