Dulo
Ilang araw ka ng hindi dumadalaw
Alam mo bang hinahanap kita araw araw
Gabi gabi ako'y hindi mapakali
Inaalala ko ang mga bawat sandali
Ano ang dahilan bakit ka nag ka ganyan
Ang sabi sakin may nakakita sayo sa daan
May kasama kang iba't kayo ay masaya
Ako'y nagtataka at ako ay nabigla
Bakit kailangan mo pang pahabain
Kung tayo ay mag tatapos na rin
Bakit kailangan mo pang magtago
Kung tayo ay andito na sa dulo
Di naman kita pipigilan
Hindi na rin kita kailangan
Di naman kita pipigilan
Hindi na rin kita kailangan o sinta
Bakit mo ako nilalapitan pa
Kala ko ba masaya ka dun sa isa
Panindigan mo ang iyong mga salita
Makinig ka na sa akin
Hanap ko’y bakit
Aminin mo sa akin kung anong na plano mo para masira yung relasyon natin
Bakit ba ako
Bakit di na lang sayo
Sawa na talaga ako sa mga sinasabi mo
Ano bang nangyare sa atin dalawa
Kahapon ay kasama lang kita
Bakit ngayon ay meron ka na agad iba
Ang sakit na talaga puta lumayo kana
Bakit kailangan mo pang pahabain
Kung tayo ay mag tatapos na rin
Bakit kailangan mo pang magtago
Kung tayo ay andito na sa dulo
Di naman kita pipigilan
Hindi na rin kita kailangan
Ayoko na muling
Kulitin ka pa na mahalin
Alam ko naman na hindi mo na din
Kailangan pa ang mga yakap ko sayo't lambing
Palaging binabalewala
Mo nalang kala mo ba ay nakakatuwa
Umabot na sa punto na ako ay sagarin
Bumitaw ng tuluyang manawa
Hindi ka siguro natuto
Kaya ako ay inabuso
Sagad na sa labis na pagmamahal ko sayo'y
Na punta na sa dulo
Bakit kailangan mo pang pahabain
Kung tayo ay mag tatapos na rin
Bakit kailangan mo pang magtago
Kung tayo ay andito na sa dulo (bakit kailangan mo pang pahabain)
Di naman kita pipigilan (kung tayo ay mag tatapos na rin)
Hindi na rin kita kailangan (bakit kailangan mo pang magtago kung tayo ay andito na sa dulo di naman kita pipigilan di na rin kita kailangan)